Tatlo, sugatan sa magkahiwalay na pagsabog sa Basilan

78

Sugatan ang tatlong indibidwal sa magkahiwalay na insidente ng pagsabog sa Isabela City sa Basilan.

Unang naalarma ang mga residente sa unang pagsabog bandang alas-6:00 ng gabi sa Barangay Isabela City Proper at sinundan ng ikalawang pagsabog makalipas ang 30 minuto sa isang terminal ng bus.

Ayon sa Isabela City Risk Reduction and Management Office, isang babaeng vendor at dalawang security guard na nagpapatrol sa bus terminal ang nasugatan dahil sa pagsabog.


Nagtamo sila ng mga sugat matapos tamaan ng mga shrapnel at pansamantalang naapektuhan ang pandinig.

Sa ngayon, inaalam na ng bomb squad at ng SOCO kung anong pampasabog ang ginamit sa magkahiwalay na insidente.

Facebook Comments