PAMAMAHAGI NG KABUHAYAN ASSISTANCE PARA SA TODA FEDERATION NG ALAMINOS CITY, PINANGUNAHAN NG DOLE

Tinanggap ng 100 Islands TODA Federation ang Kabuhayan Assistance na kinabibilangan ng Establishment of Motorcycle Spare part, Accessories & Vulcanizing Shop mula sa Department of Labor sa ginanap na Celebration of Labor Day for the Workers in the informal sector.
Lubos naman ang pasasalamat lokal na pamahalaan ng Alaminos City sa DOLE Alaminos Field Office sa tulong at suporta sa lungsod na naglalayong mai-angat at mapaunlad ang hanapbuhay ng mga Tricycle Drivers at Operators.
Nagkaroon rin ng Capacity Building Training na ibinahagi ng ilang mga partner agencies tulad ng Pag-Ibig Fund, SSS, PhilHealth, DTI at TESDA sa mga DILP (DOLE Integrated Livelihood Program) Beneficiaries and Workers Association.| ifmnews

Facebook Comments