Pamamahagi ng Libreng Abono ng Santiago City Agriculture Office, Isinagawa!

Namahagi ng libreng abono ang Santiago City Agriculture office sa mga high breed rice farmers dito sa lungsod katuwang ang Department of Agriculture Region 02.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Engr. Dominador Fernandez ang city agriculture officer ng Santiago ay nasa 120 na mga magsasaka umano ang nabigyan ng libreng abono.

Layon aniya nito na matulungan ang mga magsasaka na mapataas ang ani sa pamamagitan ng pamamahagi ng abono at paggabay sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya.


Una na din umanong namahagi ng mga binhi ang city agriculture office sa mga magsasaka dito sa lungsod.

Samantala, ipinaalala naman nito ang libreng land preparation o pa traktora para sa mga magsasakang may dalawang ektarya pababa ang sinasakana maaaring ipagkaloob ng LGU Santiago sa mga magsasaka ng libre.

TASG: luzon, cauayan city, santiago city, isabela, santiago city, agriculture office, Engr. Dominador Fernandez, DWKD 98.5, rmn cauayan.

Facebook Comments