Pamamahagi ng mga binhi ng gulay, tinututukan ng Santiago City Agriculture Office!

*Santiago City-* Puspusan ngayon ang pagtutok ng Santiago City Agriculture Office sa kanilang programa kaugnay sa pagpapatanim ng mga gulay sa bawat kabahayan sa Lungsod ng Santiago.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Engr. Dominador Fernandez, ang City Agriculturist ng naturang Lungsod kung saan abala ngayon ang kanilang tanggapan sa pamamahagi ng mga binhi ng gulay gaya ng talong.

Inaasistehan naman ng mga City Technician ang mga residente upang matiyak na maganda ang pagkakatanim ng mga gulay sa kanilang mga bakuran.


Ayon pa kay Fernandez ay mas mainam na rin umano na magtanim ng sariling gulay ang mga Santiagueños dahil mas natitiyak na ligtas at organiko ang mga gulay kumpara sa mga nabibili sa pamilihan.

Samantala, binibigyan rin ng libreng land preparation ang mga magsasakang may lupang nasa dalawang ektarya pababa sa pamamagitan ng libreng pa-tractor na layong makatulong sa mga Santiagueños na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.

Facebook Comments