TIMBOG | Anak ni BuCor Chief Faeldon, 3 iba – arestado sa isang drug den

Inaresto ng Philippine National Police (PNP) ang anak ni Bureau of Correction Chief Nicanor Faeldon matapos makuhaan ng ilang sachet ng hinihinilang shabu nang kanilang ikasa ang operasyon ng PNP sa Z-4 San Miguel Street, Barangay.- Mabolo, Naga City.

Sa spot report ng ipinadala ng PNP na sa pamamagitan ng warrant of arrest sinalakay ng mga tauhan ng PNP ang kinaroroonan ng anak ni BuCor Chief na si Nicanor Faeldon Jr., 32-anyos, college student ng Taytay, Rizal.

Arestado rin ang tatlo pa na kinilalang sina Russel Lanuzo Bermudo, alyas Bubbles 47-anyos negosyante ng Z-4, San Miguel Street, Barangay Mabolo, Naga City, Allan Valdez, 44-anyos ng Sampaloc, Manila at Manuel Nebres, 39-anyos ng Mabolo, Naga City.


Nakuha sa kanila ang pitong sachet ng hinihinalang shabu.

Sa ngayon nakatakda ng sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang mga suspek.

Facebook Comments