Target ng administrasyong Marcos na tapusin ang pamamahagi ng titulo ng lupa sa 2028.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., titiyakin niya na kahit na wala na siya sa pwesto ay magpapatuloy pa rin ang land distribution program.
Batay sa pinakahuling datos, nakapamahagi na aniya ang pamahalaan ng kabuuang 10,700 na mga titulo ng lupa para sa higit 18,000 ektaryang lupa sa Region 12.
May natitira pa aniyang halos 2,000 titulo para sa 2,600 na mga magsasaka sa rehiyon na ipamamahagi ngayong 2024.
Tiniyak din ng pangulo na wala nang babayaran pang amortization sa lupa ang mga magsasaka.
Dagdag pa ng pangulo, dahil sa New Emancipation Act na kaniyang nilagdaan ay burado na ang lahat ng pagkakautang ng mga benepisyaryo ng lupang pang-agraryo.
Isang pagkakataon aniya ito para mapabuti ang kanilang pamumuhay at ang kasaganaan ng bansa sa produksyon ng pagkain.