Pamamahagi ng Pamaskong handog packs ng Pasig City, suspendido ngayong araw

67
Photo Courtesy: Pasig City Government

Inanunsyo ng pamahalaang lungsod ng Pasig na pansamantalang ititigil ang pamamahagi sa mga barangay nito ng Christmas bags ngayong araw.

Batay sa kanilang abiso, ito ay upang bigyang daan ang pagdiriwang ngayong araw ng kapistahan ng Immaculate Conception of Mary.

Muli naman mamahagi ang mga kawani ng Pasig City Hall na namamahala ng Pamaskong handog 2020 sa bukas, December 9.


Pero hindi kasama sa abiso ang mga condominium sa lungsod, kaya naman asahan na ang Pamaskong Handog 2020 team ay makikipag-ugnayan pa rin ngayong araw sa mga namamahala ng bawat condominium.

Ang December 8 ay idineklarang bilang special non-working holiday sa ilalim ng Republic Act 10966 at Proclamation No. 845, series of 2019.

Facebook Comments