PAMAMAHAGI NG PLASTIC DRIVERS LICENSE CARDS SA LUNGSOD, NAGSIMULA NA

Cauayan City – Matapos ang matagal na panahon na paghihintay, nagsimula na ngayon ang pamimigay ng plastic drivers license cards sa lungsod ng Cauayan.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Land Transportation Office Cauayan District Head Deo Salud, dagsaan na ang mga bumibisita sa kanilang opisina upang kunin ang kanilang Plastic Drivers License Cards.

Ayon kay Salud, prayoridad nila na unang mabigyan ang mga Senior Citizens at ang mga indibidwal na mangingibang-bansa na.


Sinabi rin nito na bagama’t dagsaan ang mga tao, lahat naman ng mga bumibisita ay nabibigyan nila ng plastic license cards.

Umaasa naman si Salud na tuloy-tuloy na ang pagkakaroon ng suplay ng plastic cards dahil isa sa layunin ng Land Transportation Office na pagsapit ng buwan hulyo ay wala na silang backlogs sa mga lisensya ganun rin sa mga plaka ng sasakyan.

Facebook Comments