PAMAMAHAGI NG PWD ID CARDS SA LUNGSOD, NAGPAPATULOY

Cauayan City – Tuluy-tuloy pa rin ang pamamahagi ng Person With Disability Affairs Office Cauayan City ng mga ID Cards para sa mga PWDs sa lungsod ng Cauayan.

Ayon kay Cauayan City PDAO Officer Jonathan Galutera, mula sa 4,729 na registered PWDs ay mayroon ng 4,295 o katumbas ng 90.82% ang bilang ng mga naisyuhan ng PWD ID Cards..

Ang nabanggit na ID Cards ay magagamit nila upang makakuha ng 20% discount at VAT Exemption sa gamot medical and dental check-up, transportasyon, at professional fees, habang 5% Discount naman ang maaari nilang ma-avail sa basic commodities.


Sinabi rin ni Ginoong Galutera na prayoridad ng kanilang opisina ang rehabilitasyon at proteksyon ng mga PWDs, ganunrin ang promosyon sa karapatan ng mga ito sa pamamagitan na rin ng paghahatid ng serbisyong at tulong na para sa kanila.

Facebook Comments