Pamamahagi ng relief goods ng pamahalaang lokal ng Mandaluyong, nagpapatuloy

Tuloy-tuloy pa rin sa pagre-repack ng mga relief goods ng mga volunteer ng Mandaluyong–LGU.

Ayon kay Jimmy Isidro, Chief-of-Staff ng Mandaluyog, umabot na sa 439,000 food packs ang kanilang naipamahagi mula nang ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Aniya, ngayong linggo nagsisimula na ang kanilang ikaapat na wave ng food pack distribution sa 27 barangay.


Lahat ng mga residente ng lungsod, kasama ang mga nakatira sa condominium at mga private subdivision ay tiniyak na mabibigyan ng food packs.

Ang Mandaluyong City ay mayroon nang 475 confirmed cases ng COVID-19, kung saan 38 rito ay nasawi at 145 ang naka-recover.

Mayroon naman 861 na bilang ng suspected cases at dalawang probable cases batay na rin sa pinakabagong tala ng Mandaluyong City Health Office.

Facebook Comments