Cauayan City, Isabela- Muling sinimulan ng Department of Agriculture (DA) Region 2 ang pamamahagi ng Rice Farmers Financial Assistance sa Lambak ng Cagayan.
Ayon kay Regional Director Narciso Edillo ng DA Region 2, nag-umpisa na ang kanilang pamamahagi ng cash assistance sa mga kwalipikadong magsasaka na nakarehistro sa Registry System for Basic Sectors In Agriculture (RSBSA) noong nakaraang Disyembre taong 2021.
Muling ipinagpatuloy ngayong buwan ng Enero ang pamamahagi ng nasabing tulong sa mga benepisyaryong magsasaka sa bayan ng Tumauini at Cabagan.
Umabot naman sa mahigit kumulang 3,000 na mga magsasaka ang napagkalooban ng financial assistance sa Tuao, Cagayan.
Target naman ng Kagawaran na matatapos sa huling Linggo ng buwan ng Pebrero 2022 ang pamamahagi ng Rice Farmers Financial Assistance sa mga kwalipikadong magsasaka.
Facebook Comments