Ipinautos na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Local Government Units (LGUs) na i-fast-track ang distribution ng Social Amelioration Cards (SAC) at pag-produce ng master list ng mga kwalipikasong benepisyaryo ng emergency subsidy program.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, dapat maibigay na sa lalong madaling panahon ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan, partikular na ang mga nasa informal sector na apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Kasabay nito, sa interview ng RMN Manila, inihayag ni Department of Social Welfare and Development Spokesperson Irene Dumlao na nagsimula na sila pamamahagi ng SAC forms na magiging basehan ng LGUs sa pagbibigay ng ayuda sa mga mahihirap na pamilya.
Ayon kay Dumlao, tumutulong na rin ang DSWD sa LGUs para sa profiling at validation ng target list of beneficiaries.
Tinatayang aabot sa 18 million low-income Filipino families ang mabibiyayaan sa emergency subsidy program ng pamahalaan.
Kabilang dito, ang isang pamilyang mayroong senior citizen, PWD, mga buntis, mga inang papa-breastfeed ng sanggol na anak, solo parents, lumads at walang tirahan.
Mga nasa informal sector tulad ng house helpers, PUV drivers, sari-sari store owners, minimum wage workers at mga empleyadong nasa ‘no-work, no-pay’ situation.