Pamamahagi ng SAP sa mga ‘LeftOut Families’ Sisimulan bukas sa Cauayan City

Cauayan City, Isabela-Sisimulan na bukas ng Lokal na Pamahalaan ng Cauayan at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2 ang pamimigay ng ayuda sa mga ‘leftout families’ sa ilalim ng Social Amelioration Program.

Ayon kay City Mayor Bernard Dy, ang ikalawang tranche ng ayuda ay para lamang sa mga hindi nabigyan ng tulong pinansyal sa unang bugso na siyang prayoridad ngayon ng pamahalaan.

Aniya, hindi na mabibigyan ng ikalawang tranche ng ayuda ang mga pamilyang nabigyan noong ipinatupad ang pamamahagi ng amelioration dahil nakasailalim na sa General Community Quarantine ang siyudad.


Dagdag pa ng alkalde, sa isinumiteng listahan ng mga ‘leftout families’ na umabot sa mahigit 10,000 ay mahigit 7,000 lang ang mabibigyan ng nasabing ayuda.

Tiniyak naman ni Dy na ang lahat ng mabibigyan ng tulong pinansyal ay kwalipikadong makatanggap nito.

Sa ngayon ay hinihintay din ng LGU ang panuntunan sa pagbibigay ng Livelihood Cash Assistance ng DSWD na halagang P5,000 na posibleng tumanggap ang nasa 1,000 pamilya sa lungsod.

Facebook Comments