Pamamahagi ng second tranche ng sap ng DSWD, halos nasa 98% na

Halos nasa 98% na ng target na 14.1 milyong pamilya ang nakatanggap ng cash assistance sa second tranche ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa pahayag ni DSWD Spokesperson Irene Dumlao, umaabot na sa 13,903,946 mahihirap na pamilya ang nakinabang sa ₱83.1 bilyong halaga ng cash aid na naipamahagi sa pamamagitan ng manual at digital payouts na nasa ilalim ng napasong Republic Act no. 11469 o Bayanihan to Heal as One Act.

Kabilang sa listahan ng SAP 2 beneficiaries ang mahigit 1.3 milyong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) kung saan halos 6 milyon low-income at non-4Ps recipients kasama na ang mahigit 3.2 milyong waitlisted, low-income at non-4Ps households sa buong bansa gayundin ang nasa mahigit 1.8 milyong waitlisted beneficiaries mula sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).


Napag-alaman naman na nananatili sa 242,453 ang bilang ng public transport driver beneficiaries na tumanggap ng mahigit ₱1.7 billion SAP subsidy allocation.

Bagama’t may ilan pang hindi nakatatanggap ng cash aid, tiniyak ni Dumlao na ginagawa ng DSWD ang lahat ng paraan para mapagkalooban ang mahigit 196,000 benepisyaryo sa buwang ito.

Facebook Comments