Ibinalita ni Governor Ramon Guico III ang tungkol sa amelioration sa mahigit dalawang libong Barangay Health Workers (BHWs), Barangay Nutrition Scholars (BNS), Barangay Service Point Officers (BSPOs) at Child Development Workers (CDWs) ng 5th District sa isinagawang Fellowship Program sa Binalonan Gymnasium.
Ayon sa Gobernador ng lalawigan, sa 2023, dadagdagan ang kasalukuyang amelioration fund kahit bumaba ang pondo ng probinsya.
Dagdag pa ng Gobernador, ang pagtatalaga ng medical-patient navigator sa kada barangay galing sa ospital ng probinsiya na makikipag-ugnayan sa barangay at LGUs tungkol sa PhilHealth coverage.
Layunin nilang iparehistro ang mga Pangasinense na hindi pa kasama sa PhilHealth at hindi pa kasama sa Konsulta Program.
Kasalukuyang nasa higit tatlong milyon ang populasyon ng mga Pangasinense at ayon sa PhilHealth at 2.6 million pa lang rito ang rehistrado.
Ayon sa Universal Health Care Law, sandaang porsyentong Pilipino dapat ang covered ng PhilHealth.
Ayon din kay Vice Gov. Mark Ronald Lambino, ang amelioration na natatanggap taun-taon ng frontliners ng barangay ay pamasko na rin mula sa Pamahalaang Panlalawigan nang masuklian naman ang kanilang serbisyo. |ifmnews
Facebook Comments