Naudlot ang pamamahagi ng libreng tablets para sa mga estudyante sa pampublikong paaralan sa Pasig City matapos na madiskwalipika ang nanalong bidding para sa proyekto ni Pasig Mayor Vico Sotto.
Ang RedDot Imaging Philippines ay nadiskwalipika dahil ang brand ng naturang gadget na inialok na Coby, ay hindi kilala ang ang gadget ay hindi umano pangmatagalan na gamit ng mga estudyante.
Ang kumpanyang nag-alok na mababang presyo ng tablet noong nagkaroon ng live bidding subalit ang Coby Electronics Corporation ang gumagawa ng naturang tablets, ay naisara noong taong 2013 dahil sa kalugian.
Napag-alaman na binusisi ng husto ng YugaTech, isa sa kilalang websites para gadgets, na ginawa noong 2012 at 2013 kung saan biniberipika pa ang Coby Facebook account, na huling pinost noong 2017.
Ayon kay Gilbert Malcolm, miyembro ng Technical Working Group (TWG), kailangan masuri nito ang nilalaman ng item kung ito’y papasa sa requirements at match sa specifications na kanilang hinahanap.
Nagsampa naman ng Motion for Reconsideration ang RedDot Imaging Philippines kung saan naisumite na sa Tanggapan ni Mayor Sotto para sa resolution.