Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga mahihirap na pamilya sa mga lungsod ng Maynila at Parañaque.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, lalapitan ng mga kinatawan ng pamahalaan ang mga pamilya mula sa dalawang lungsod sa Metro Manila.
Habang sa susunod na darating na araw ang pamamahagi naman ng cash aid sa ibang bahagi ng bansa.
Ipinamahagi ngayong Biyernes ng hapon ang paunang cash grant sa Dagupan St., Tondo, Manila at Barangay Vitalez, District 1, Parañaque City nagkakahalaga ito ng ₱5,000 hanggang ₱8,000 na parte ng ₱200 bilyong Social Amelioration Program ng pamahalaan.
Bukod dito, ipinamahagi na rin ngayong araw ang cash aid para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Ng Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Hinimok naman ni Nograles ang mga benepisyaryo na hintayin ang anunsyo ng kanilang Local Government Units (LGUs) sa pamamahagi ng cash assistance.