Pamamahagi ng unang batch ng cash card ng para sa mga senior citizen ng Pasig City, simula na ngayong araw

Inihayag ng pamahalaang lungsod ng Pasig na simula na ngayong araw ang pamamahagi ng cash card para sa mga senior citizen ng lungsod.

Ayon kay Pasig Mayor Vico Sotto, gagawin ang pamamahagi ng cash card sa covered court ng Barangay Sagad.

Aniya, hahatain sa dalawang grupo ang 708 na mga senior citizen na nakalista dito sa Barangay Sagad, ibig sabihin mula alas-9:00 hanggang alas-10:00 ng umaga ay ang mga unang letra ng kanilang apelyedo na ‘A’ hanggang ‘M’ ang unang grupo.


Habang ‘N – Z’ naman ang ikalawang grupo na magsisimula naman ng alas-10:00 hanggang alas-11:00 ng umaga.

Ito ay para masunod ang social distancing.

Payo naman ng alkalde na huwag pumunta kung hindi pa kasali sa listahan ang kanilang mga pangalan na makikita sa official Facebook account ng lungsod.

Hanggang December 20 ngayong taon aniya ang pamamahagi ng cash card para sa mga senior citizen sa lungsod ng Pasig.

Facebook Comments