Pamahalaang lungsod ng Taguig, may 47 bagong kaso ng COVID-19

Muling nakapagtala ng 47 bagong kumpiramadong kaso ng COVID-19 ang Taguig City Epidemiology Disease and Surveillance Unit sa nakalipas na 24 oras.

Dahilan para sumampa ang kabuuang bilang nito sa 10,052.

Mula sa nasabing bilang, 9,877 nito ay mga gumaling mula sa nasabing sakit matapos magkaroon ng 53 new recoveries kagabi.


Nananatili sa 116 ang bilang ng mga nasawi sa lungsod ng dahil sa virus, katumbas ito ng 1.15% Case Fatality Rate (CFR).

Habang ang 59 naman ay ang bilang active cases sa Taguig kung saan patuloy na nanantili sa mga quarantine facility ng lungsod.

Facebook Comments