Pamamahagi ng unang dose ng Sinovac vaccines sa healthcare workers sa Maynila, natapos na

Inihayag ng Manila Health Department (MHD) na natapos na nilang turukan ng SINOVAC VACCINES ang unang batch ng mga healthcare workers sa lungsod.

Nabatid na target ng MHD na mabigyan ang nasa 1,500 medical frontliners ngunit may isang hindi nabakunahan dahil sira ang isa sa mga vials.

Naisagawa ng MHD ang pagbabakuna sa loob lamang ng apat na araw mula nang ilunsad ang vaccination rollout.


Kaugnay nito, aabangan na lamang ng lokal na pamahalaan ang ibibigay na karagdagang 1,500 na Sinovac vaccine mula sa Department of Health (DOH).

Matatandaang nasa 3,000 doses ng bakuna ang una nang ipinamahagi ng DOH sa Manila LGU kung saan ang natirang 1,500 vials ay muling ituturok sa mga healthcare workers matapos ang apat na linggo.

Facebook Comments