Tinatayang nasa 250,000 seedlings na ang naipamahagi ng nasabing ahensya sa ilang barangay sa Siyudad sa loob ng ika-100 araw na panunungkulan ni Mayor Caesar “Jaycee” Dy Jr.
Ilan sa mga binhi na ipinapamahagi sa mga residente sa Lungsod ay mga gulay seedlings tulad ng sitaw, ampalaya, kalabasa, at iba pa.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Engr. Ricardo Alonzo, layunin ng nasabing programa na mabigyan ang lahat ng mga mamamayan sa lungsod na nagnanais na magkaroon ng taniman ng gulay sa kanilang mga bakuran.
Dagdag pa ni Engr. Alonzo, isang hakbang rin ang nasabing aktibidad para mabigyan ang mga mamamayan ng ligtas at walang halong kemikal na mapagkukunang gulay.
Lubos naman ang pasasalamat ni Engr. Alonzo sa butihing alkalde ng lungsod ng Cauayan sa patuloy na suporta nito sa mga aktibidad na inilulunsad ng Kagawaran ng Agrikultura.