
Target ng Commission on Elections (COMELEC) na matapos ang pag-imprenta ng voter’s information sheet (VIS) sa March 24, 2025.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, nais kasi nila na maipamahagi ito mula April 1-30, 2024 bago ang 2025 midterm elections.
Sinabi ni Garcia na importante na maibigay ito sa mga botante upang malaman nila ang mga hakbang ng pagboto lalo na’t automated election system na ang gagamitin.
Ang voter’s information sheet ay maaari din magsilbing kodigo ng mga botante upang alam na agad nila ang pangalan ng iboboto at hindi na magtatagal pa sa precint area.
Dagdag pa ni Garcia, nasa 1,667 versions ng voter’s information sheet ang iniimprenta dahil iba-iba ang mga pangalan ng kandidato mula sa lungsod at munisipalidad sa bansa.
Ang pag-imprenta ng voter’s information sheet ay isinasagawa sa Meycauayan, Bulacan at National Printing Office sa Quezon City kung saan ang hakbang na ito ay base sa Republic Act No. 7904 kung saan kinakailangan ng COMELEC na ipamahagi ito sa lahat ng botante bago ang mismong araw ng halalan.