*Cauayan City, Isabela– *Naging mabunga ang unang pamamahala ng mga SK Chairman ng bawat barangay ng Lungsod ng Cauayan sa katatapos lamang na taong 2018.
Ito ang ibinahaging impormasyon ni Ms. Charlene Joy Quintos, SK Federation President ng Cauayan City sa RMN Cauayan dahil anya sa dami ng mga accomplishments na nagawa ng mga kabataan sa Lungsod.
Aniya, bawat barangay sa Lungsod ay may kanya-kaniyang plano para sa taong 2019 sa pangunguna ng kanilang SK Chairman sa tulong na din ng kanilang mga Brgy. Officials.
Kaugnay nito ay planong ipatupad ni Ms. Quintos sa Brgy. Marabulig II ang pagpapagamit ng printer sa mga kabataan kapalit ang mga plastic bottle.
Bukod sa kanilang pagpapaganda sa kanilang mga hawak na barangay ay nakikiisa rin aniya ang mga kabataan sa kampanya kontra iligal na droga upang makamtan ang Drug Free Barangay.
Malaki naman ang pasasalamat ni Quintos dahil naging matagumpay ang mga nagdaang aktibidades ng mga kabataan kabilang na ang “Kabataan Day” na dinaluhan ng 65 barangay ng naturang Lungsod.