Pamamahala sa 6 na paliparan sa Mindanao, inilipat na ng CAAP sa BARMM

Inilipat na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pamamahala sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ng sa anim na paliparan sa Mindanao.

Kasama sa anim na paliparan ang Awang Airport sa Maguindanao del Norte, Wao at Malabang Airport sa Lanao del Sur, Sanga-Sanga Airport at Mapun Airstrip sa Tawi-Tawi at Jolo Airport sa Sulu.

Una nang nilagdaan ng CAAP at ng BARMM Ministry of Transportation and Communications (MOTC) ang memorandum hinggil dito.


Ito ay alinsunod sa Republic Act No. 11054 o Bangsamoro Organic Law (BOL) na nagtatatag ng institusyon ng BARMM.

Kahapon opisyal nang sinimulan ng BARMM MOTC ang land side management ng airport.

Kabilang dito ang operasyon at pamamahala ng passenger terminal building (PTB), administrative building, vehicular parking area at iba pa.

Sa kabila nito, mananatili naman sa kontrol ng CAAP ang air side sa mga paliparan sa BARMM tulad ng air traffic control tower, air navigation equipment at facilities.

Facebook Comments