Mga naapektuhan ng nagdaang sama ng panahon, patuloy na nadaragdagan

Dumami pa ang bilang ng mga naapektuhan ng sama ng panahon nitong nakalipas na linggo.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), lumobo pa sa 106, 961 pamilya o katumbas ng 438, 622 mga indibidwal ang apektado.

Ang mga nabanggit na indibidwal ay mula sa Regions 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, Regions 5, 6, 8, 9, 10, 11 at BARMM.


Sa nasabing bilang 2,144 pamilya o 8,153 na mga indibidwal ang pansamantalang sumisilong pansamantala sa mga evacuation center.

Samantala, nananatili sa 10 ang nasawi, apat ang nasaktan at dalawa ang nawawala bunsod pa rin ng naranasang sama ng panahon.

Facebook Comments