Pamamahala sa main gate ng New Bilibid Prison, itinurn over sa Muntinlupa Traffic Management Bureau dahil sa COVID-19

Kinumpirma ng Pamahalaang Lokal ng Muntinlupa na sila na ang mamahala sa main gate ng New Bilibid Prison o NBP, upang matiyak na walang makakalusot na infected ng Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19.

Ayon kay Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi, ito ay pinangangasiwaan ng Muntinlupa Traffic Management Bureau (MTMB).

Mahigpit na ipatutupad ang pagcheck ng quarantine pass at pagsusuot ng mga facemasks sa mga lalabas at papasok sa nasabing daanan.


Kasama rin ang pagpatupad ng number coding at pagkuha ng body temperature sa bawat tao na dadaan sa main gate ng NBP.

Kahapon ang Muntinlupa ay mayroong pitong bagong kaso ng COVID-19, kung saan umabot na ito sa 41, mula sa 34 noong Martes.

Tumaas din ang bilang ng PUI na nasa 187 na at 364 naman ang PUM.

Facebook Comments