Pamamahayag sa Pilipinas, mas malaya at masigla sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte kumpara sa mga nakalipas na administrasyon – PTFoMS

Nanindigan ang Malacañang na nananatiling mas malaya at lubhang masigla ang pamamahayag sa Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kabila ito ng bagong metodolohiya na ginamit sa World Press Freedom Index (WPFI) ng global press watchdog na Reporters Without Borders (RSF) ngayong taon.

Samantala, mula sa ika-138 puwesto ay bumaba ang WPFI ranking ng Pilipinas sa ika-147 mula sa 180 mga bansa sa buong mundo.


Pero kung si Presidential Task Force on Media Security Executive Director Joel Egco ang tatanungin, ang RSF index ay maituturing pa nga na “unbiased proof” na mas maganda ang press freedom sa bansa sa ilalim ng administrasyong Duterte kumpara noong panahon nina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at Noynoy Aquino kung saan nasa 156th at 149th spot ang Pilipinas.

Aminado naman si Egco na namantiyahan na “Maguindanao massacre” na nangyari noong 2009 ang ranking ng bansa sa WPFI.

Facebook Comments