PAMAMARIL | Babae, patay matapos pagbabarilin sa Taguig City

Taguig City – Patuloy na inaalam ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng isang babae na pinagbabaril hanggang sa mapatay sa Taguig City.

Ang nasabing biktima ay nakasuot ng kulay berdeng blouse at kulay itim na short pants.

Nagtamo ito ng ilang tama ng bala sa ulo kung saan hindi din nakilala ang mga susepk.


Nabatid na naganap ang insidente sa Purok 2A, Magsaysay Extension, Barangay New Lower Bicutan at hinala ng mga taga-barangay na dayo lamang ang babae sa kanilang lugar.

Facebook Comments