PAMAMARIL | Family driver, patay matapos barilin sa harap ng kaniyang anak

Caloocan City – Patay ang isang family driver matapos pagbabarilin sa harap ng kanyang anak na gumagawa ng homework sa Leani Road, Barangay 167, North Caloocan City.

Kinilala ang nasawi na si Jeffrey Lacsamana, 40-taong gulang.

Sa imbestigasyon, kasama ng biktima ang kanyang anak na gumagawa ng homework sa loob ng kanilang bahay sa Del Mundo Village nang pasukin at pagbabarilin ng isang lalaki na nakasuot ng face mask.


Isang lalaki naman na nakamotorsiklo ang nagsilbing look out ng suspek na sinakyan nila para tumakas.

Naisugod pa sa Novaliches District Hospital ang biktima ngunit idineklara ring dead on arrival matapos magtamo ng dalawang tama ng bala sa katawan.

Facebook Comments