ROAD CRASH | 2 motor rider, patay matapos magsalpukan sa Parañaque City

ParaƱaque City – Patay ang dalawang lalaki matapos magsalpukan ang mga minamaneho nilang motorsiklo sa East Service Road, ParaƱaque City.

Kinilala ang mga biktimang sina Raymark Rodriguez at Jerico Tabao habang wala pang pagkakakilanlan ang isang angkas na kasalukuyang nasa Pateros Hospital.

Ayon kay PO1 Jackson Banwa ng PCP 7, papunta ng Bicutan si Rodriguez at kuma-counterflow ito kung saan nakasalubong niya sina Tabao at Angkas nito kaya at nagkasalpukan.


Sinasabing lasing at mabilis ang pagpapatakbo ni Tabao kaya at nawalan ito ng kontrol saka bumulaga sa harap ni Rodriguez

Dismayado naman ang ama ni Rodriguez dahil buhay pa sana ang kaniyang anak kung maaga lang daw dumating ang rescue.

Facebook Comments