PAMAMARIL | Isang military personnel, sugatan matapos tambangan sa CamSur

Camarines Sur – Sugatan ang isang military personnel matapos tambangan sa Barangay Baya, Ragay, Camarines Sur.

Kinilala ang opisyal na si Sgt. Amador Mansion, 43-anyos, detachment commander ng Philippine Army.

Sakay noon ng kaniyang motorsiklo si Mansion angkas ang CAFGU member na si Albert Portugal nang bigla silang pagbabarilin ng tatlong pinaniniwalaang miyembro ng New Peoples’ Army (NPA).


Natamaan sa kanang kamay si Mansion habang swerteng hindi naman nasugatan si Portugal.

Facebook Comments