PAMAMARIL | Kapitan ng barangay at tanod nito, sugatan matapos pagbabarilin sa Cotabato City

Cotabato City – Sugatan ang isang kapitan ng barangay at tanod nito matapos pagbabarilin ng sampung armadong kalalakihan sa Cotabato City.

Nakilala ang mga biktima na sina Samdran Pangiran, Barangay Chairman ng Barangay Tamontaka 1 at ang tanod na si Utoc Enoc.

Sa ulat, nakatayo lamang ang mga biktima malapit sa isang paaralan nang biglang sumulpot ang mga suspek na sakay ng mga motorsiklo.


Agad silang pinagbabaril pero mabilis silang nakapagtago kung saan nagawa pa nilang makaganti ng mga putok.

Nakatakas ang mga armadong kalalakihan ng magresponde ang mga pulis at sundalo habang isinugod sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) ang mga biktima na nadaplisan ng mga bala sa katawan.

Facebook Comments