NANLABAN | Drug suspect, patay matapos manlaban sa mga otoridad sa Mandaue City, Cebu

Mandaue City – Dead on arrival sa ospital ang isang drug suspect matapos manlaban sa mga otoridad sa Mandaue City sa Cebu.

Sa ulat, hindi na umabot pa ng buhay sa Vicente Sotto Memorial Medical Center ang suspek na si Ranchie CastaƱeda matapos magtamo ng tama ng bala sa ulo at katawan.

Sinasabing pinaputukan ng suspek ang isang pulis na magsisilbi ng warrant of arrest laban sa kaniya kaya at nang gumanti ng putok ay napuruhan ito.


Nakuha mula sa suspek ang isang kalibre 45 baril at 10 maliliit na sachet ng shabu.

Facebook Comments