PAMAMARIL | Lalaki patay matapos pagbabarilin sa Bulacan

Bulacan – Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Barangay San Roque sa San Jose del Monte City, Bulacan.

Kinilala ang biktima na si Romulo Temblor, 40-anyos na nilagyan pa ng karatula ng mga suspek kung saan nakasulat dito na “drug pusher, adik, magnanakaw,” at “babala sa lahat ng adik, mamamatay.

Sa imbestigasyon, dalawang lalaking sakay ng isang van ang nasa likod ng krimen.


Pinagbabaril sa ulo ang biktima habang nakikipag-inuman ito sa gitna ng selebrasyon ng piyesta kasama ang lang mga kaibigan.

Facebook Comments