TIMBOG | 3, arestado sa buy-bust operation sa QC

Quezon City – Arestado ang tatlo katao sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Central, Quezon City.

Nakilala ang mga suspek na sina Essex Politan, Emcee Otico at Jhon Gerald Oliva.

Narekober sa mga suspek ang nasa 18 maliliit na sachet ng shabu kung saan kanila pa itong itinatago sa gilid ng kanilang shorts.


Aminado ang tatlo na nagbebenta ng iligal na droga dahil malakas daw ang kita nila dito.

Facebook Comments