PAMAMARIL SA DATING KAPITAN SA LINGAYEN, PATULOY NA INIIMBESTIGAHAN

Patuloy na iniimbestigahan ng awtoridad ang insidente ng pamamaril sa 72 anyos na dating kapitan at residente sa Brgy. Tumbar, Lingayen noong Miyerkules, Abril 8 bandang alas-9:30 ng umaga.

Ayon sa inisyal na ulat ng Lingayen Municipal Police Station, natagpuan nang nakahandusay at duguan ang biktima sa kalsada sa Brgy. Dulag, matapos umanong pagbabarilin habang sakay ng kanyang motorsiklo.

Agad itong dinala sa ospital ngunit idineklarang dead-on-arrival makalipas ang higit isang oras makalipas ang pamamaril.

Sa kasalukuyan, nagsagawa ng biglaang case conference ang Pangasinan PPO at Lingayen Police Station matapos ang State of the Province Address (SOPA) sa parehong araw upang masusing planuhin ang malawakang imbestigasyon sa insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments