Pamamaril sa Isang Magsasaka sa Bayan ng Cordon, Mayroon ng Tinitignang Motibo!

71

*News Update: *Mayroon nang nakikitang motibo ang mga otoridad kaugnay sa pamamaril kamakailan sa isang magsasaka na si Eusebio Ofeciar, 54 anyos, may asawa, at residente ng Brgy. Quirino, Cordon, Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Maj. Vincent Guzman, hepe ng PNP Cordon, Isabela, away sa lupa ang kanilang tinitignang motibo sa pamamaril kay Ofeciar kahapon ng umaga.


Mayroon na rin aniya silang persons of interest sa nangyaring krimen na kinasasangkutan ng riding in tandem.

Giit ng hepe na talagang puntirya ng mga suspek na patayin si Ofeciar matapos na makaligtas sa pamamaril ang misis nito.

Magugunita na bandang 6:30 ng umaga kahapon nang pagbabarilin ng riding in tandem criminals ang biktima habang patungo sa kanilang sakahan lulan ang minamanehong traysikel.

Patuloy pa rin aniya ang kanilang follow-up investigation hinggil sa nangyaring insidente.

Facebook Comments

From Advertisers