Pamamaril sa nightclub sa Germany – dalawa patay, apat sugatan

Germany – Dalawa ang patay habang apat ang sugatan sa pamamaril ng isang lalaki sa isang nightclub sa Konstanz, Germany.

Ayon sa pulisya, isang 34-taong gulang na Iraqi ang suspek na nasawi rin sa ospital matapos mabaril ng mga rumespondeng pulis.

Hindi naman itinuturing ng mga otoridad na terorismo ang motibo sa pag-atake dahil matagal nang naninirahan ang suspek sa Germany.


Sinasabing, posibleng personal na isyu ang dahilan ng pag-atake.

Facebook Comments