Cauayan City, Isabela- Plinano ng mga salarin ang pagpatay kay PLt. Oliver Tolentino noong Linggo ng Pagkabuhay.
Ito ang inihayag ni PCol. Gerald Gamboa, hepe ng PNP Cauayan City sa ginanap na pressconference sa kanilang himpilan.
Dahil sa kabila aniya ng Enhanced Community Quarantine ay napagtagumpayan ng mga salarin ang naturang krimen.
Kaugnay nito, tinitignan aniya nilang motibo sa krimen ang mga iligal na kinasangkutan ni Tolentino gaya ng panghoholdap sa isang gasolinahan sa bayan ng Reina Mercedes, Isabela.
Patuloy naman ang kanilang pagkalap ng mga karagdagang impormasyon mula sa mga saksi at nakapag-request na rin ang kanilang himpilan ng kopya ng CCTV Footage sa mismong pinangyarihan ng insidente.
Nanawagan naman ang Hepe sa publiko na kung mayroon aniyang mapansin na kahina-hinala ay agad na itawag sa himpilan ng pulisya upang agad itong maaksyunan.
Hiniling din ni Col. Gamboa ang pakikipagtulungan ng mga opisyal ng barangay upang mapigilan ang anumang hindi magandang pangyayari.
Magugunitang pinagbabaril ng hindi pa matukoy na gunman ang biktima habang nakaupo sa harapan ng bahay ng kanyang kapatid sa brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela sa mismong Linggo ng Pagkabuhay, April 12, 2020.