Sorsogon – Pinaghahanap na ng mga otoridad ang mga suspek sa pagpatay sa isang barangay chairman sa Gubat, Sorsogon.
Sa ulat, pinagbabaril ng riding in tandem ang biktima na si chairman Romeo Gaviño ng barangay Lapinig sa harap ng bahay nito.
Nabatid na posibleng pinaghinalaan ng mga NPA na nagbibigay ng impormasyon ang punong barangay sa mga otoridad hinggil sa galaw ng armadong grupo lalo na at kapatid ito ng isang sundalo.
Nagawa pang madala sa ospital ang biktima pero namatay din ito habang ginagamot.
Facebook Comments