PAMAMARIL | Tatlong NPA, patay sa engkwentro sa Camarines Sur

Camarines Sur – Patay ang tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) habang limang iba pa ang naaresto matapos ang engkwentro sa bayan ng Bato, Camarines Sur.

Sa ulat, naka-engkwentro ng 83rd infantry battalion ng Philippine Army ang mga NPA habang nagpapatrolya sa lugar kung saan umabot ng isang oras ang palitan ng putok ng magkabilang panig.

Wala namang walang naitalang nasugatan sa panig ng militar at sa ngayon ay ikinasa na ang hot pursuit operation laban sa iba pang mga miyembro ng NPA na nakatakas matapos ang insidente.


Facebook Comments