Hindi lahat ng traditional jeepney ay papayagang makapamasadang muli sa susunod na Linggo.
Ito ang binigyang- linaw ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, matapos magkaroon ng kalituhan makaraang sabihin ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board Chairman Martin Delgra na pahihintulutan na muling makabiyahe ang mga traditional jeepney matapos payagan ang mga UV Express van.
Ayon kay Roque, mayroong hierarchy pagdating sa transportasyon at nasa huli ang traditional jeepney.
Una nang sinabi ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na sadyang mahirap ipatupad ang social distancing sa mga traditional jeepney at hindi lahat ng mga ito ay road worthy o ligtas sa kalsada.
Samantala, hindi naman matiyak sa ngayon ni Roque kung mabibigyan pa ng 3rd wave na tulong pinansyal ang mga jeepney driver na hindi makapaghanapbuhay dahil sa tigil operasyon.
Pero pagtitiyak ng kalihim, kasali ang mga ito sa 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP) kung kaya’t may ayuda silang matatanggap mula sa pamahalaan.