Pamamasko online ng mga bata, iminungkahi ng DOH

Mas mabuti kung gagawin na lamang online ang pamamasko.

Ito ang inihayag ni Department of Health (DOH) Maria Rosario Vergeire ilang araw bago ang Pasko.

Paalala nito, hindi pa kasi maaaring bakunahan ang mga batang nasa edad 12 pababa kaya’t kailangang mag-ingat ang mga ito.


Maliban dito, nakapagtala na rin ang bansa ng dalawang kaso ng Omicron variant.

Kaugnay nito, iminungkahi ni National Vaccination Operations Center Chairperson at Health Undersecretary Myrna Cabotaje na dapat magulang na lamang ang magpabakuna sa ngayon para mabigyan nila ng proteksyon laban sa COVID-19 ang kanilang mga anak.

Facebook Comments