PAMAMASLANG SA SALES LADY NA ILANG ARAW NANG NAWAWALA SA NAGUILIAN, LA UNION, KINONDENA

Kinondena ng lokal na pamahalaan ng Naguilian, La Union ang malagim na pamamaslang sa isang sales lady na natagpuang walang buhay sa isang bakanteng lote sa isang sitio, ilang araw matapos mapaulat na nawawala.

Ang biktima na kinilalang residente sa Brgy.San Isidro sa nasabing bayan, ay nahagip pa ng CCTV habang papasok sana ng trabaho noong January 30, ngunit natagpuan na lamang ang naagnas na bangkay nito noong umaga ng Lunes, February 2.

Base sa imbestigasyon, nakitang nakapulupot sa leeg ng biktima ang ID lace nito at may senyales ng pananakal na tinukoy na sanhi ng kanyang pagpanaw.

Dahil dito, umaapela ang tanggapan sa kooperasyon ng publiko, na posibleng maging saksi na makapagbibigay ng mahalagang impormasyon para sa pagkakaresolba ng kaso.

Hinihikayat din ang pagsusumite at review ng mga dashcam ng mga motorista na maaaring napadaan sa Caba-Naguilian Road bandang alas otso ng umaga noong January 30.

Iginiit na malaking kontribusyon ang maiduudlot ng anumang impormasyon ukol sa insidente upang makamit ng naiwang pamilya ang hustisya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments