Baguio, Philippines – Sang-ayon si Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa pagpapatupad ng environmental fee para sa mga bisita, ito ay para din sa lumalaking pangangailangan ng kalikasan sa lungsod.
Nasa P75 na Environmental User’s Fee (EUF) para sa lahat ng Turista, travelers, at mga bisita na papasaok sa isang tourist destination sa lungsod ito ay ayon naman sa iminungkahing bayad nila Councilor Mylen Yaranon at Joel Alangsabat ang fee ay epektibo lamang kung mananalili sila ng matagal sa naturang destinasyon.
Lahat ng mga makukulektang pondo ay mapupunta sa general funds at sa kita ng syudad na ilalaan naman sa mga programa ng lungsod sa enironmental at waste management.
Dagdag pa ng Mayor na lahat ng problema ng kapaligiran ay tago at mapanganib tulad ng nangungunang problema ng lungsod sa kalidad ng hangin, mga nakontaminang ilog at mga baradong sewerage system, at kailangan malaman ng mga tao ang mga nangyayari.
Ang pagbibigay ng fee ay para sa mas responsableng pag-alaga ng kalikasan sa lungsod ayon naman sa paglilinay ng Chief Executive at para malimit din ang ilang mga turista sa pagsira ng kalikasan.
Humihingi naman ng suporta ang Alkalde sa mga lokal para maisapatuparan ang nasabing pagbabayad ng fees bago ito dumaan sa ilang mga pagdinig at public consultations bago maipatupad.
iDOL, payag ka ba na magkaroon ng Environmental Fee dito sa Baguio?