Pamangkin ng isang Konsehal sa Tuguegarao City, Patay sa Pamamaril

*Cauayan City, Isabela*- Agad na binawian ng buhay ang isang negosyante na pamangkin ng isang konsehal matapos barilin ng nagpanggap na customer pasado 5:30 ng hapon kahapon sa Brgy. Buntun, Tuguegarao City.

Kinilala ang nasawi na si Miguel Ortiz, 27 anyos, binata at may-ari ng coco lumber shop at residente ng Brgy. San Gabriel, Tuguegarao City.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Tuguegarao City Police Station, lumalabas na nakasuot ng itim na sombrero, itim na pantalon, jacket at nakatsinelas.


Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang basyo ng bala ng kalibre 45 na baril na tumama sa ulo ng biktima na dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo sa pamamaril sa biktima.

Facebook Comments