Pamangkin ni Mayor Aldong Parojinog pumanaw na rin, mga nasawi sa Ozamis raid umakyat na sa labing anim

Ozamis City, Philippines – Nakatakdang dalhin sa basketball court ng Brgy. San Roque, Ozamis City para sa public viewing ang bangkay ng isang miyembro ng pamilyang Parojinog na binawian ng buhay kahapon habang ginagamot sa ospital sa lungsod ng Ozamis.

Umakyat na sa labing anim na inbidwal ang nasawi sa inilunsad na operasyon ng CIDG region- 10 at Ozamis PNP matapos pumanaw si Darryl Parojinog, 20 anyos, kabilang ito sa mga nasugatan sa isinagawang raid nitong nakalipas na araw ng linggo.

Sinasabing si Daryll ay pamangkin ng napatay na alkalde na si Mayor Reynaldo “Aldong” Parojinog Sr.


Tinamaan ito ng bala ng baril nang mangyari ang sagupaan.

Si Daryll sana ang pag-asa ng pamilyang Parojinog upang magtestigo kontra sa kwento ng mga pulis ukol sa madugong raid.

Ayon sa kampo ng Parojinog may ilan pang kamag-anak ang ginagamot sa hospital.

Facebook Comments