iFM Laoag- Nagsagawa ng isang hakbang ang National Bio-Energy Research and Innovation Center ng Mariano Marcos State University (MMSU-NBERIC) upang makagawa sila ng alternatibong ethanol pamalit sa ethyl alcohol, na proteksion sa corona virus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay MMSU President Shirley C. Agrupis, lider ng nasabing institusion, umusbong ang ideyang ito kasunod nang pagkaubos ng alcohol sa buong probinsya ng Ilocos Norte hinggil sa naging epekto ng ‘panic-buying’ dahil sa COVID19.
Ang programang ito ay nasa likod ng “Asukal Mo Ferment Mo” gamit ang tubo o sugarcane. Makakagawa sila ng 70% ethyl alcohol matapos ang proseso nito sa isang distiller, 4-6 na oras tulong nang “Hybrid Solar Technology.”
Gamit din ang ‘fully electric distiller’ ay makakapagproseso ang sugarcane upang maferment at maging ganap na alcohol.
Sa tulong ng mga LGUs at ang Provincial Governmen, at bilang tugon sa mga epekto ng COVID19 ay makakapagsupplay sila ng 20 litro ng alcohol sa 21 bayan at 2 lungsod.
Sa buong Region 1, ang MMSU pa lamang ang kauna-unahang akademikong institusyon na nakagawa ng ‘high-grade alcohol’ na pag-aari nila mismo. Ang mga alcohol na ito ay magiging supplay din ng mga departamento sa unibersidad, gayun din sa mga estudyante at manggagawa dito.
– Bernard Ver, RMN News