Pamasahe ng mga na-estranded na OFWs patungong Hong Kong at Macau, dapat sagutin ng pamahalaan

Iginiit ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto sa pamahalaan na balikatin ang pamasahe ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na na-stranded dahil sa ipinatupad na travel ban sa Hong Kong at Macau.

Ipinaliwanag ni Recto na ang salaping gugugulin ng gobyerno para sa pamasahe sa eroplano ng nasabing mga OFWs ay kaparinggot lang ng kanilang naiaambag sa ekonomiya ng bansa.

Tinukoy ni Recto na mula 2018 hanggang 2019 ay umabot sa halos 100-bilyong piso ang remittance ng mga OFWs na nagtatrabaho sa Hong Kong at Macau.


Kaugnay nito ay nagpahayag din ng buong suporta si Recto sa pagbawi ng pamahalaan sa travel ban sa Hong Kong at Macau ng mga OFWs.

Tiwala si Recto, sa pangako ng Hong Kong government na aalagaan ang kalusugan ng mga manggagawang Pilipino laban sa Coronavirus Disease (COVID-2019).

Ayon kay Recto, napatunayang mahusay ang health system sa Hong Kong noong kumalat ang Severe Acute Resperatory Syndrome o SARS.

Facebook Comments