Nasa ₱50 per head ang sinisingil sa mga pasahero ng tricycle sa Pasig City.
Ito’y matapos aprubahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang panuntunan ng Pasig City Government kaugnay sa pagbabalik kalsada ng mga tricycle sa lungsod.
Batay naman sa inilabas na pamasahe ng Tricycle Operation and Regulatory Office (TORO) ng lungsod, nakasaad na ₱20 per head sa unang kilometro at karagdagang ₱5 sa susunod na kilometro.
Sinabi rin ng TORO ang presyo ng pamasahe ay nakadepende rin sa layo ng lugar ng pasahero.
Halimbawa, mula Malinaw Tricycle Terminal hanggang Eusebio, Tuazon, Luis nasa ₱30 at ₱35 naman kung papunta ng Cristina Royal Armal.
Kung punpunta naman ng Rizal Technological University – Pasig Campos at Pasig City General Hospital – ₱40 at ₱50 naman kung papuntang Rainforest, Lan Gas, Housing Eusebio.
Nagbigay din ang TORO ng schedule sa mga bibiyaheng mga tricycle driver.